Patuloy na nagliliyab ang isang forest fire sa pagitan ng Kilometer 26 at Km 30 sa bayan ng Atok sa lalawigan ng Benguet.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Atok, nagsimula umano ang sunog madaling araw nitong Linggo.

Photos courtesy of Gemar Pawid
Photos courtesy of Gemar Pawid

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa matukoy ng BFP Atok ang pinagmulan ng sunog sa kabundukan.

Nagpapatuloy ang ginagawang pag-apula sa sunog.

Nagpapahirap umano sa sa mga bumbero ang matarik na lugar kung kaya’t hindi kaagad maapula ang apoy, na mabilis umanong kumalat dahil tuyo ang paligid sanhi ng madalang na pagulan sa lugar, at malakas din umano ang ihip ng hangin.

Nababahala ang mga residente na naninirahan malapit sa sunog na baka gumapang ang apoy sa kanilang mga tahanan. —LBG, GMA News