Tatlong tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang tricycle driver sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, kinilala ng pulisya ang biktima na si James Panong.

Papunta umano sa city proper si Panong para mamasada nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo noong Linggo ng gabi.

Kaagad na tumakas ang mga salarin, habang hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulisya sa krimen.--FRJ, GMA News