Patay ang isang babae matapos siyang pagtatagain ng kaniyang mister dahil umano sa selos sa Murcia, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, kinilala ng mga pulis ang biktima na si Alona Hebong. Sumuko naman ang kaniyang mister na si Rengie.

Sa imbestigasyon,  sinabing nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa matapos aminin ng biktima sa suspek na may iba siyang karelasyon.

Bigla raw nagdilim ang paningin ng suspek at pinagtataga nito ang kaniyang misis hanggang sa mapatay.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek matapos gawin ang krimen at umamin sa kaniyang ginawa.

Mahaharap siya sa reklamong parricide.--FRJ, GMA News