Patay matapos manlaban sa mga pulis ang isang rape suspect sa Tayabas, Quezon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Ayon sa mga pulis, ilang araw nilang tinugis ang suspek. Pero nang ma-korner, imbis na sumama sa mga pulis ay sinubukan ng suspek na maghagis ng granada.

Ito raw ang dahilan kaya napilitan ang mga pulis na pagbabarilin ang suspek.

Ang lalaki ay siya raw nasa likod umano ng panggagahasa at pagpatay sa isang batang may special needs. —KBK, GMA News