Umakyat sa 161 ang bilang ng COVID-19 cases sa Cebu City matapos itong madagdagan ng 84 nitong Biyernes.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na ang 82 sa mga bagong kaso ay mula sa Barangay Luz habang sa Barangay Labangon naman ang dalawa pa.
Dahil dito, iniutos ni Labella ang total lockdown sa Barangay Luz.
"I am announcing that we are imposing a total lockdown of entire Barangay Luz. We have already directed [Police] Colonel [Josefino] Ligan of the Cebu City Police and [Major] General [Roberto] Ancan (Armed Forces of the Philippines Central Command, Cebu City) has been informed already of this decision," anang alkalde.
Nauna nang nagpatupad ng 8 p.m.-5 a.m. curfew ang lungsod, at magsasagawa umano ng mass testing sa nabanggit na barangay. --FRJ, GMA News
