Daan-daang kinatay na manok ang nagkalat sa kalsada sa Baguio City matapos madisgrasya ang truck na may karga ng mga ito, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, pababa ng Kennon Road ang truck nang mawalan ito ng preno at bumangga sa concrete barrier. Dahil dito, nahulog sa kalsada ang mga karga nito.

Isinugod sa pagamutan ang driver at pahinante ng truck na parehong nagtamo ng minor injuries. --KBK, GMA News