Bangkay ng isang lalaking pugot ang ulo ang natagpuan sa isang palayan sa Bacong, Negros Oriental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Natagpuan din sa hindi kalayuan ang ulo ng biktimang si Giovanni Baylosis, na napaulat na nawawala noon pang Biyernes.

Hinala ng mga pulis, biktima ng summary execution si Baylosis.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa pagpatay dahil wala naman daw nakakaaway ang biktima. —KBK, GMA News