Isang pulis sa Esperanza, Sultan Kudarat ang patay habang sugatan naman ang tatlo niyang kasama matapos silang pagbabarilin habang nagbabantay sa isang quarantine checkpoint.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, kinilala ang napaslang na pulis na si Police Executive Master Sergeant Arnold Paclibar. Isa sa tatlong sugatan ay pulis din.

Batay sa imbestigasyon, pinahinto nila ang isang motorsiklong dumaan sa checkpoint. Tumalikod daw ang driver at pagharap ay pinagbabaril na niya ang mga bantay sa checkpoint.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang salarin. —KBK, GMA News