Isang buhay na sanggol na babae na nakalagay sa sako ang natagpuan sa tambak ng mga basura sa Calbayog, Samar.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Miyerkules, sinabing inakalang ungol ng kuting ang nadinig ng nakakita sa sanggol na umiiyak.

ADVERTISEMENT

Kinupkop muna ang sanggol ng pamilyang nakakita sa kaniya, at kinalaunan ay kinuha ng mga tauhan ng barangay para dalhin sa ospital.

Maayos naman ang kalagayan ng sanggol maliban sa ilang kagat sa mukha na pinaniniwalaang gawa ng mga insekto.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nagtapon sa bata, at sino ang kaniyang mga magulang.--FRJ, GMA News