CALAUAG, Quezon - Dahil lubog pa rin sa baha ang bahay ng pamilyang Nollan sa Barangay Binutas sa Calauag, Quezon, sa bangka na muna nag-aaral si Yan-Yan Nollan.

Habang sakay ng bangka, sinasagutan ni Yan-Yan ang kanyang learning module.

Ayaw daw kasi ni Yan-Yan na mahuli sa kanyang aralin.

Dahil sa Bagyong Ofel ay binaha ang lugar nina Yan-Yan at napilitan pa nga silang lumikas noong Miyerkoles. 

Umaasa ang pamilya ni Yan-Yan na huhupa na ang baha upang maging maayos na ang kanilang pamumuhay.

Binaha rin ang Maharlika Highway sa Lopez, Quezon dahil sa pag-ulan dulot ng Bagyong Ofel at high tide. —KG, GMA News