Patay ang isang magsasaka sa Lagayan, Abra, matapos umanong suwagin ng alaga niyang kalabaw, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Bangkay na ng makita si Pepito Baldemor na may mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Ayon sa pulisya, posibleng sinuwag si Baldemor ng kaniyang kalabaw na itatali sana niya sa pastulan.

Nagdesisyon naman ang pamilya ng biktima na huwag na siyang ipa-autopsy dahil naniniwala silang wala namang foul play sa nangyari. Ibebenta na lang daw nila ang kalabaw na anim na taon din nilang alaga. --KBK, GMA News