Problemado ang mga residente ng Naval, Biliran, dahil sa pamemeste ng mga insektong Malaysian black bug, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Ayon sa mga otoridad, ilang araw nang namemerwisyo ang mga peste at halos dumilim na raw ang mga daanan dahil sa pagtakip ng mga ito sa street lights.

Hindi rin daw kaaya-aya ang amoy kapag nasusunog ang nasabing mga insekto.

Bukod dito, pumapasok din ang mga insekto sa mga bahay sa mga nakabukas na ilaw.

Problema rin daw sa produksiyon ng bigas ang Malaysian black bugs pero mabuti't naaani na raw ang mga tanim. --KBK, GMA News