Nasapul ng CCTV ang agawan ng belt bag ng isang konduktor at isang snatcher sa Tigbauan, Iloilo.

Sa video na nakuha ng "Unang Balita" na ipinakita nitong Miyerkules, makikita sa CCTV na tinangay ng isang snatcher ang belt bag ng konduktor ng bus.

ADVERTISEMENT

Makikita ring nagsuntukan ang dalawa.  Naitakbo ng kawatan ang belt bag na naglalaman ng P10,000 na koleksyon ng bus sa biyahe.

Nahuli na mang ang kawatan sa loob ng 24 oras. Inako nito ang krimen at handa rin umano siyang harapin ang kaso laban sa kanya. —LBG, GMA News