Dalawa ang nasawi matapos araruhin ng isang minibus and tricycle at mga nag-aabang sa isang waiting shed sa Lubao, Pampanga.

Ayon sa isang ulat sa GMA News Live, kabilang ang dalawa sa anim na sakay ng tricycle.

ADVERTISEMENT

Sabi ng ilang saksi, pagewang-gewang ang takbo ng minibus nang tumbukin ang tricycle at mga nag-aabang sa waiting shed.

Napahinto lamang ang minibus nang tumama sa poste ng kuryente.

Kaagad na dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa aksidente. — Ma. Angelica Garcia/BM, GMA News