Patok ang gimik ng magbabarkada sa San Leonardo, Nueva Ecija na imbes na motorsiklo o kotse, kuliglig na ginagamit sa pagsasaka ang sinakyan para makapag-drive thru sa isang fast food restaurant.

Ayon sa nag-upload ng video, hindi nila inaasahan na mag-viral online ang kanilang "drive-thru in style" na video.

Sa ulat sa "Unang Balita," umabot na umano ng 1.4 million views sa TikTok ang video ng magbabarkada. —LBG, GMA News