Patay ang dalawang babae matapos pagsasaksakin sa loob ng kanilang apartment sa Barangay Macabling sa Sta. Rosa Laguna, ng dating karelasyon ng isa sa mga biktima.
Sa ulat in John Consulta sa Unang Balita, sinabing duguan at wala nang buhay ang biktmang si Marisora Espinoza, 55, at ang suspek na dati niyang kinakasama, na nagpupumilit umanong makipabalikan sa kanya.
Dead on arrival naman sa ospital isang biktima na kinilalang si Carol Mamaril na nasaksak rin ng suspek sa mukha at dibdib.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, pasado alas-nuebe ng umaga nang dumating sa apartment ng mga biktima ang suspek na may bitbit na pagtalim.
Pahayag ng isang anak in Esppinoza, pilit na makipagbalikan ang stepfather nila, at ng hindi na pumayag ang kanyang ina, nagbanta ang suspek .
Dagdag ng anak, bagao ang pag-atake ng suspek, nagbanta ito noon na babarilin silang lahat.
Ayon sa mga imbestigador, posibleng lumaban ang mga biktima at nasaksak ang suspek na ikinamatay din nito.
Hawak na ang mga kaanak ang mga anak ng biktima. —LBG, GMA News
