Isang rider ang nasawi at dalawa pa ang sugatan matapos araruhin ng isang truck ang mga sasakyan na nakatigil sa isang intersection sa Cavite.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita sa kuha ng CCTV camera na nakatigil ang mga sasakyan ng kinabibilangan ng mga motorsiklo, kotse at truck sa Daño St .Intersection sa Dasmariñas, Cavite dahil sa nakapula ang traffic light.

Mula sa likuran ng mga sasakyan, sumulpot ang isang truck na mabilis ang takbo at sinalpok ang nakatigil na mga sasakyan.

Nagkaroon din ng domino effect sa nangyaring banggaan ng mga sasakyan na aabot sa 11.

Ayon sa pulisya, isang rider ang agad na nasawi matapos siyang maipit sa pagitan ng truck at isang kotse.

Dalawa pang rider ang nasugatan sa nangyaring insidente.

Nadakip naman ang driver ng truck na nagsabing nawalan ng preno ang kaniyang sasakyan.

Sinampahan na siya ng patong-patong na reklamo.—FRJ, GMA New