Patay ang isang mag-asawa sa Mandaue City matapos mabagsakan ng puno ang kanilang bahay habang sila ay natutulog, ayon sa ulat ng Saksi nitong Huwebes ng gabi.

Natagalan bago na-recover ang bangkay ng dalawa dahil sa laki ng bumagsak na puno.

Aminado ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na nabubulok na ang puno.

Ayon pa sa CDRRMO, kailangang dumaan muna sa proseso bago sila magputol ng puno. —KBK, GMA News