Patay ang dalawang tao, at sugatan naman ang 12 iba pa sa pagbaliktad ng kuliglig-type jeep sa  Barangay Balasig, Cabagan, Isabela.

Sa ulat sa Unang Balita nitong Biyernes, nadaganan ng sasakyan ang dalawang nasawing biktima na kinilalang sina Rosalyn at Solitaria Agabin.

Sugatan naman ang 12 pang iba. 

Ayon sa pulisya, pauwi na ang magkakamag-anak galing sa isang death anniversary gathering nang mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng sasakyan kaya ito nadisgrasya. —LBG, GMA News