Isang 49-anyos na babae ang nasawi matapos umanong barilin sa ulo ng kaniyang kinakasama na 44-anyos sa Badoc, Ilocos Norte.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek sa kanilang bahay sa Barangay Labot, bago nangyari ang krimen.
Tumakas ang suspek sakay ng kotse at dala nito ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril na ginamit sa pagpatay sa biktima.
Samantala, may nakuha rin ang mga rumespondeng pulis ng isang isang granada sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.—FRJ GMA News
