Isang 58-anyos na lola at apat na buwang gulang niyang apo ang nasawi nang mabangga ng Sports Utility Vehicle (SUV) ang “kulong-kulong” [isang uri ng tricycle] na sinasakyan nila sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na binabagtas ng SUV ang barangay road, nang bigla namang pumasok sa diversion road ang kulong-kolong na dahilan ng banggaan.
Sugatan ang dalawa pang sakay ng kulong-kolong, kabilang driver. Habang nakaligtas naman ang driver ng SUV.
Ayon sa pulisya, nagkausap na ang mga sangkot sa insidente.
Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng mga biktima at iba pang sangkot sa aksidente, ayon sa ulat. – FRJ GMA News
