Nasunog ang isang 6-wheeler truck sa Andaya Highway, Barangay Pinagdapian, Del Gallego, Camarines Sur dakong 1:00 ng hapon nitong Sabado sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Base sa report ng BFP Del Gallego, nanggaling sa Fairview, Quezon City at patungo sana sana sa Masbate ang truck na kargado ng foam ng kama ng magliyab nalang ito habang bumibyahe.

ADVERTISEMENT

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa foam na karga nito. Natupok ang buong truck pati na ang mga produktong lulan.

 

Photo by Peewe Bacuño

Sinubukan pa ng bumbero na maapula ang apoy subalit hindi na inabutan dahil malayo sa bayan ang pinangyarihan ng sunog.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP upang matukoy ang dahilan ng pagkasunog ng truck at kung magkano ang halaga ng pinsala. —LBG, GMA News