Patay na nang matagpuan at walang saplot pang ibaba ang isang babaeng siyam na taong gulang na inutusan lang bumili sa tindahan sa Agusan del Norte.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing nakita ang katawan biktima noong Huwebes sa madamong bahagi ng Barangay Santa Ana sa bayan ng Tubay, dakong 9:00 pm.

Wala umanong saplot pang ibaba ang biktima, at may sugat sa ulo, ayon sa pulisya.

Sinabi umano ng ama ng bata, na inutusan niya ang anak na bumili sa tindahan ng diaper, bigas at sigarilyo.

Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima. --FRJ, GMA Integrated News