Nasagip ang tatlong batang turista matapos silang muntik malunod sa dagat sa Baler, Aurora. Ang mga bata, pinagbawalang maligo dahil sa panganib pero hindi umano nakinig.

Sa video ng Aurora Tourist Office, na mapapanood sa Saksi, makikita ang agarang paglusong sa dagat ng mga rescuer para sagipin ang mga bata, na taga-Gapan, Nueva Ecija.

Nagpaalala ang pulisya na sumunod sa mga babala para maiwasan ang disgrasya. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News