Isang barangay chairman ang nasuntok nang mauwi sa rambulang ang isang laro ng basketball game sa Tarlac City.

Ayon sa ulat sa "State of the Nation", nagsimula raw ang gulo sa bangayan ng mga supporters ng dalawang koponan.

Nadamay naman sa away si Chairman Rael Gatus ng Barangay Mapalacsiao na aawat lamang sana.

"'Yung bata, akala niya siguro ay kaaway ko ang tatay niya, kaya sinuntok niya ako," sabi in Gatus.

"Hindi niya alam na ako ang barangay chairman," dagdag pa niya.

Nagkaayos na ang dalawang grupo na sangkot sa rambol.

Nag-public apology naman ang lalaking sumuntok sa punong barangay. —NB, GMA Integrated News