Nagdulot umano ng biyaya sa ilang residente ang panunuyo ng isang irigasyon sa Laoag, Ilocos Norte.

Iniulat sa Unang Balita nitong Huwebes na nakahuli sila ng higit 20 kilo ng naglalakihang tilapia, at meron din silang nahuli na mga hito at maliliit na hipon.

Ayon sa mga residente, kadalasan talaga malalaki ang kanilang nahuhuling tilapia tuwing tagtuyot.

Pinaghati-hatian daw nila ang mga nahuhuling isda upang maiulam. —LBG, GMA Integrated News