Pasyalan para kay mommy sa Mother’s Day sa Linggo? Walang problema dahil ang dinarayong Cloud-9 sa Antipolo, tampok ang isang hanging bridge na may magandang view, masasarap na pagkain at preskong hangin.

Sa ulat ni Katrina Son sa Saksi, sinabing ilang oras lamang ang biyahe mula Metro Manila papunta sa naturang pook-pasyalan.

Tila langit ang pakiramdam ng mga dadayong pamilya dahil sa breathtaking view na tanaw ang Metro Manila.

Meron din itong museum at swimming pool na maaaring magsilbing libangan. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News