Natagpuang patay ang limang alagang aso sa laabas ng bahay ng kanilang amo sa Barangay Guadapupe sa Cebu City matapos umanong lasunin.

Batay sa report ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat ni James Agustin sa Unang Balita, sinabing sa labas ng bahay may nakitang kanin na hinaluan ng kulay blue na kemikal na posible umanong nakain ng mga aso.

ADVERTISEMENT

Nangyari ang panglalason noong May 12, ayon sa ulat.

Agad umanong nilibing ang mga aso sa loob ng compound ng kanilang amo.

Desididong magsampa ang reklamo laban sa kung sino man ang lumason sa mga alaga niya. —LBG, GMA Integrated News