Nakatakdang magsampa ng reklamo ang dalawang lalaki na kumakain sa gotohan matapos silang mapagtripan umano at pagtulungang bugbugin ng grupo ng kabataan sa Plaridel, Bulacan.

Sa ulat ng Unang  Balita nitong Biyernes, sinabing napa-blotter na ng mga biktima ang insidente.

Sinabi ng mga biktima na hindi nila kilala ang grupo at wala silang atraso sa mga ito, at maaaring napagtripan lamang sila.

Desidido ang dalawang lalaki na magsampa ng reklamo laban sa mga kabataang nambugbog. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News