Isang makamandag na Philippine Cobra ang nakita sa loob ng isang silid-aralan sa Tayabas, Quezon.

Sa ulat ng GTV News "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing mabuti na lamang na walang klase sa silid-aralin nang makita ang ahas.

ADVERTISEMENT

Ligtas naman na nakuha ng mga rumespondeng taga-City Environment and Natural Resources Office ang ahas.

Maglilinis na sa eskuwelahan para alamin kung may ahas pa at para hindi na makapasok ang mga ganitong uri ng hayop sa eskuwelahan.

Hinihinala na maaaring dahil sa init ng panahon kaya lumabas ang ahas mula sa kanilang natural na tirahan at naghanap ng puwestong masisilungan.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News