Nasawi ang isang 43-anyos na babae matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang SUV sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente noong June 9, dakong 11:00 am.

Sa lakas ng pagkakabangga nawasak ang sinasakyang motorsiklo ng biktima.

Lumitaw naman umano sa imbestigasyon ng pulisya na mabilis ang takbo ng motorsiklo at walang suot na helmet ang biktima.

Problemado naman ang mister ng biktima lalo pa't may anak pa silang nag-aaral.

Ligtas naman ang driver ng SUV na handa umanong makipag-usap sa pamilya ng biktima.--FRJ, GMA Integrated News