Nagpakita ng Pinay power sa Hollywood sina Isa Briones, Amielynn Abellera at Kristin Vilanueva makaraang magwagi sila sa kategoryang Outstanding Performance by an Ensemble in a Drama Series sa kiabibilangan nilang medical drama series na “The Pitt.”
Si Briones ay gumanap bilang Dr. Trinity Santos sa serye, habang si Abellera naman ay gumaganap bilang si nurse Perlah Alawi, at Vilanueva naman si nurse Princess Dela Cruz sa “The Pitt.”
Samantala, ang buntis na Fil-Am actress na si Hailee Steinfeld (na hindi nakadalo sa seremonya) ay nanalo rin ng kaniyang Actor Award bilang bahagi ng “Sinners,” na nagkamit ng Outstanding Performance by a Cast in a Motion Picture.
Ginampanan ni Hailee ang karakter na si Mary sa pelikula ni Ryan Coogler.
Sa Instagram, nagpasalamat si Briones sa SAG-AFTRA “for believing in our show and this incredible cast."
"What a special thing to celebrate all our hard work together," dagdag niya, sabay pasasalamat sa kaniyang glam team at sa kaniyang ama na legendary theater actor na si Jon Jon Briones na kaniyang best date.
Kasabay ng pasasalamat sa award-giving body, sinabi ni Villanueva na, "I loved getting to play with this cast."
"My lovely cast mates and friends, it's an honor to win this with you," dagdag niya sa hiwalay na Instagram Stories post.
Sa naunang panayam sa press conference sa West Hollywood para sa “The Pitt” Season 2, ibinahagi ni Briones (na nagmula sa pamilya ng mga artista—mga magulang na sina Jon Jon at Megan, at kapatid na si Teo) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng representasyon sa telebisyon, lalo na sa mainstream American TV medical drama.
"It’s really special," saad niya. "It’s insane that a lot of medical shows, as long as they’ve been around, have not featured Filipino healthcare workers when they make up such a huge population in this country. I was very emotional the first time we saw episode 1 because in the first five minutes, Tagalog is spoken by two Filipina nurses."
Samantala, pinarangalan naman ang beteranong aktor at aktibista na si Harrison Ford ng SAG-AFTRA Life Achievement Award para sa kaniyang mga natamo sa kaniyang career at makataong Gawain. Habang si Catherine O’Hara ay nagwagi (posthumously ) bilang best female actor in a television comedy para sa “The Studio.”
Ang The Actor Awards na inihahandog ng SAG-AFTRA ay nagbibigay-parangal sa mga cast ng pelikula at mga ensemble sa drama at comedy television series.— Janet Susan R. Nepales/FRJ GMA Integrated News

_2026_03_03_10_27_05.jpg)