Patay na nang makita ang ilang aso at pusa malapit sa isang lata ng sardinas na pinaniniwalaang may lason sa Murcia, Negros Occidental.
Sa ulat ni Lou-Anne Mae Rondina ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabing hindi matanggap ng ilan sa mga may-ari ang sinapit ng kanilang mga alagang hayop.
Nag-abiso ang barangay sa mga residente na itali ang kanilang mga alagang hayop upang hindi makalabas ng bahay. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
