Natagpuan ang isang fetus na nakasupot at iniwan sa gilid ng kalsada sa Mandaue City, Cebu.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Martes, sinabing isang residente na patungo sa city hall ang nakakita sa fetus malapit sa Mandaue City Public Market.
Hinihinala ng city social welfare services na nasa limang buwan na ang fetus.
Dinala ng mga awtoridad ang fetus sa simbahan upang mabendisyunan, at inilibing na rin kalaunan.
Patuloy ang imbestigasyon sa kung sino ang nag-iwan ng fetus sa lugar.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
