Sunog na bangkay na nang matagpuan ang isang 78-anyos na Filipino-Australian sa loob mismo ng kanilang compound sa Abucay, Bataan.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing natagpuan ang biktima ng kanilang caretaker.
Sinabing hiwalay na ang biktima sa kaniyang live-in partner.
Nasunog din ang bahagi ng compound.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa kung ano ang nangyari sa biktima. -- FRJ, GMA Integrated News
