Nasawi ang tatlong batang magkakapatid nang hindi sila makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Tayug, Pangasinan. Ang pinto ng bahay, ikinandado umano ng ama nang lumabas para maki-"charge" ng cellphone sa kapitbahay.
Sa ulat ng GMA Regional TV News One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabi ng mga awtoridad na edad dalawa, apat, at anim ang nasawing magkakapatid.
Nangyari ang trahediya noong Martes sa bahay ng mga biktima sa Barangay New Magallanes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP-Tayug), walang kasama sa bahay ang magkakapatid nang sumiklab ang sunog.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog.
Ayon sa Tayug Police Station, ini-lock umano ng ama ang pinto ng bahay nang umalis ito para saglit sanang mag-charge ng cellphone sa kapitbahay. --FRJ, GMA Integrated News
