Sugatan ang isang 53-anyos na lalaki matapos niyang tutukan ng baril ang mga pulis, at siya ang binaril ng mga ito sa Cebu City.
Sa ulat ni Cyril Chaves ng GMA Regional TV sa "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabi ng Abellana Police Station 2 na nag-ulat ang mga residente ng Barangay Cogon Ramos tungkol sa isang lalaking may dalang armas.
Nagtungo ang mga awtoridad sa lugar at sinita ang lalaki ngunit bumunot ng baril ang lalaki at itinutok ito sa pulisya.
Dito na siya pinaputukan ng mga pulis, samantalang hindi gumana ang kaniyang baril.
Nasapul sa binti ang lalaki at dinala sa ospital.
Nakuha sa kaniya ang .38 na baril na may mga bala.
Inihahanda ang reklamo laban sa lalaki kaugnay sa paglabag sa election gun ban. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News
