Nahuli-cam ang pagsusuntukan ng isang taxi driver at ng isang food delivery rider sa gitna ng kalsada sa Cebu City.
Sa isang video, na mapanonood sa Balitanghali nitong Martes, makikitang dalawang lalaki ang lumapit sa taxi driver at delivery rider ilang saglit lang para awatin ang kanilang pisikalan.
Hindi pa matukoy ang dahilan ng kanilang pagtatalo.
Pinahahanap pa ng Land Transportation Office - Region 7 ang dalawang driver upang magpaliwanag. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
