Isang pusa na ginamitan umano ng improvised pana sa kanang mata ang nakita sa Bacolod City.
Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood ang video ng pusa na nagtatago sa tabi ng isang motorsiklo.
Halos hindi makagalaw ang pusa.
Maaari umanong napagtripan ang pusa kaya ito pinana.
Nawawala sa ngayon ang pusa at hinahanap ng ilang concerned citizen, mga taga-barangay at animal welfare advocate upang mabigyan ng lunas.
Nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang pulisya kung sino ang pumana sa pusa. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
