Isang babae na sakay ng motorcycle-for-hire ang binaril habang nasa biyahe sa Cebu City nitong Lunes ng umaga. Nangyari ang krimen sa kabila ng umiiral na gun ban dahil sa panahon ng eleksyon.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, sinabing nangyari ang krimen sa Juan Luna Street corner Samar Loop sa Barangay Luz.
Sa nakalap na impormasyon ng Cebu City Police, sakay ng hiwalay na motorsiklo ang nakatakas na suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen, pero pagnanakaw ang isa sa mga motibo na tinitingnan ng pulisya.
Hindi pa batid ang kalagayan ng biktima na dinala sa ospital.-- FRJ, GMA Integrated News
