Patay ang dalawa katao matapos magkarambola ang anim na sasakyan na kinabibilangan ng isang 10-wheeler truck sa Dumalinao, Zamboanga del Sur.Sa ulat ni Efren Mamac ng GMA Regional TV sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na nanggaling sa Zamboanga City at patungong Pagadian City ang 10-wheeler truck nang magloko umano ang preno nito.Nasalpok nito ang isang pickup truck, minivan, delivery truck, motorsiklo at dalawang tricycle bandang 10 a.m. sa tapat ng Dumalinao Police Station.Nahulog mula sa tulay sa Barangay Pag-asa ang 10-wheeler at iba pang mga sasakyan matapos ang karambola.Ilan sa mga sakay ang naipit pa sa mga sasakyan.Agad na tumugon ang MDRRMO at Regional Health Unit sa mga biktima.Dalawa ang dead on arrival sa ospital, na isang 70 anyos na babaeng sakay ng pickup truck, at isang 50-anyos na lalaking nakatambay lang.Sira ang ilang parte ng mga sasakyan dahil sa tindi ng aksidente.Hindi bababa sa 14 ang sugatan, na patuloy pang kinukumpirma ng mga awtoridad.Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang driver ng delivery truck na sumuko at hawak na ng mga awtoridad.Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na kunan ng pahayag ang delivery truck rider. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News