Tatlong armadong lalaki ang nakitang nakabulagta sa daanan matapos ang umano'y engkuwentro sa Tabuk City, Kalinga.Ayon sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR) nitong Huwebes, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng isang barangay councilor sa Tabuk City.Sa police report mula sa Tabuk City Police Station, nakasaad na nadiskubre ang bangkay ng tatlong lalaki na nakabulagta sa daanan dakong 7 a.m. makaraang may magtimbre sa pulisya.Dalawang M16 rifle, at isang shotgun ang nakuha malapit sa mga biktima."Initial investigation disclosed that the victims had a firefight with the unidentified suspects near the house of Barangay Kagawad Cleve Dumaguing from Biga Tribe," ayon sa police report."The firefight continued until the victims moved towards north direction where they were shot," dagdag nito.Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, at pagtukoy sa mga salarin. — mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News