Isang bata ang patay matapos makuryente sa live wire sa General Santos City.Ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, dineklarang dead on arrival sa ospital ang 9-anyos na bata matapos makuryente sa bakod ng isang machine shop. Hinihinalang umakyat ang bata sa bakod para maglaro.Sabi ng may-ari ng shop, nilagyan niya ng live wire ang bakod upang protektahan ang kaniyang tindahan sa mga magnanakaw, ngunit bawal daw ito ayon sa barangay.Hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa may-ari ng shop, na nangakong sasagutin ang pagpapalibing sa biktima at aalisin na ang kinabit niyang live wire. — Jiselle Anne Casucian/VBL, GMA Integrated News