Gulpi ang inabot ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo matapos silang masukol ng mga taong tumulong sa babae na kanilang biniktima sa Cebu City.
Sa ulat ni Alan Domingo sa GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente nitong Lunes, dakong 10 ng umaga sa C. Padilla Street sa Barangay San Nicolas Proper sa nasabing lungsod.
Sa video footage, makikita na napalibutan na ng mga tao ang suspek. Nakatakbo ang isa pero hindi rin siya nakawala.
Nakuha sa mga suspek ang inagaw nilang bag na may lamang pera at cellphone.
Walang pahayag ang mga suspek na nakadetine sa Police Station 6. -- FRJ, GMA Integrated News
