Isang drug suspect ang nasawi, habang sugatan ang tatlong pulis nang bumangga ang sinasakyan nilang police patrol car sa isang poste at malaglag sa taniman sa Barotac Viejo, Iloilo.Sa ulat ni Zen Quilantang-Sasa sa GMA Regional TV One Western Visayas nitong Miyerkoles, sinabing unang naaresto ang drug suspek sa isinagawang buy bust operation nitong Martes ng gabi.Ipinasuri ang mga nakumpiskang droga na kasama ang suspek nang maaksidente ang patrol car sa harap na rin ng malakas na buhos ng ulan sa Sitio Ambulong, Barangay Natividad.Iimbestigahan naman ang naturang insidente para alamin kung may kailangang mga baguhin sa kanilang proseso kaugnay sa mga isinasagawang illegal drug operation. -- FRJ, GMA Integrated News