Iprinoklama na si Kerwin Espinosa bilang mayor ng Albuera, Leyte nitong May 25 midterm elections.Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali, sinabing nakakuha si Espinosa ng 14,919 na boto, batay sa 100% nang naitalang election returns sa kanilang lugar.Nakakuha naman ng 9,744 na boto ang kaniyang katunggaling si Vince Rama, at 3,842 na boto si Sixto dela Victoria.Nakasuot si Espinosa ng bullet-proof vest sa proklamasyon.Matatandaang binaril at nasugatan si Espinosa noong campaign period.Naiproklama na rin ang kapatid ni Espinosa na si RR Espinosa bilang bise alkalde.Inilahad ni Espinosa ang kaniyang mga plano bilang bagong alkalde ng Albuera.“Ang uunahin ko, peace and order at bigyan ng solusyon ang droga dito sa Albuera. Linisin namin ang droga dito sa aming lungsod. I-zero tolerance namin ang droga, sabi niya sa isa pang pahayag."Katukin namin sila, pakiusapan na huminto na at itigil na at kalimutan na ang droga sa kanilang buhay. Kung hindi makinig, walang mamamatay, kundi may mga mahuhuli," sabi ni Espinosa sa kaniyang mensahe.Si Espinosa ang umamin sa pagdinig sa Senado noong 2016 na dati siyang sangkot sa illegal drug trade. Pero binawi rin niya ito kinalaunan at sinabing ginipit lang siya kaya niya iyon nasabi.For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News