Dalawang pulis ang nasawi matapos silang tamaan ng kidlat sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Miyerkoles ng gabi.

"Nasawi ang dalawang pulis matapos tamaan ng kidlat sa parking area ng Regional Mobile Force Battalion Headquarters ng [Police Regional Office] 4B sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro," saad ni Governor Humerlito "Bonz” Dolor sa Facebook post ngayong Huwebes.

Batay sa impormasyon mula sa pulisya, sinabi ni Dolor na tinamaan ng kidlat ang dalawang biktima dakong 10:30 hanggang 11:30 p.m. habang malakas ang buhos ng ulan.

Dinala ang dalawang pulis sa Mindoro Medical Center pero idineklara na silang dead on arrival ng duktor, ayon sa gobernador. — mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News