Nahuli-cam ang insidente ng barilan sa kalsada sa Roxas City, Capiz nitong Sabado ng umaga.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Linggo, sinabing nanggaling sa eskinita ang lalaking may binabaril sa kabilang bahagi ng kalsada.
Hindi nakita sa video footage kung sino ang binaril ng lalaki, pero inihayag ng awtoridad isa ring lalaki ang gumanti ng putok.
Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente, at umalis ang gunman kasama ang isa pang lalaki.
Ilang basyo ng bala ang nakita sa lugar ng pinangyarihan ng barilan, at ilang pakete ng hinihinalang pinaglagyan ng shabu.
Patuloy pa ang imbestigasyon pero natukoy na umano ng mga awtoridad pagkakakilan lang ng gunman at kaniyang kasama. --FRJ, GMA Integrated News
