Nasawi ang isang batang dalawang-taong-gulang nang mahulog sa irrigation canal ang tricycle na kaniyang sinasakyan, at minamaneho ng kaniyang ina sa Santiago City, Isabela.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing nakita ang katawan ng bata sa walker hindi kalayuan sa pinaglubugan ng tricycle.
Dinala ang bata sa ospital pero idinaklarang dead on arrival ng duktor.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at pulisya, ang mismong ina ng bata ang nagmamaneho ng tricycle.
Maaaring nawalan ng kontrol ang ina sa tricycle kaya nahulog sa irigasyon ang tricycle.
Nakaligtas naman ang ina, at dalawa pa niyang anak na nakasakay din sa tricycle.-- FRJ, GMA Integrated News
