Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos umanong gawing firing target ang kaniyang alagang aso sa Abucay, Bataan.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa GTV Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng sumbong na paulit-ulit umanong binabaril ng 67-anyos na suspek ang aso.
Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang isang baril at mga bala na walang kaukulang dokumento.
Walang pahayag ang suspek na nahaharap sa patong-patong na reklamo.
Inaalam pa kung ano ang nangyari sa aso na ginawang target sa pagbaril ng suspek.--FRJ, GMA Integrated News
